Pacman patutulugin ni Spence

Pacman patutulugin ni Spence

June 7, 2021 @ 12:00 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Sisiguruhin umano ni Errol Spence Jr. na 100% ang kanyang kundisyon kapag nagsagupa sila ni dating eight division world champion Manny Pacquiao sa August 21 sa Las Vegas.

Ayon sa undefeated WBC-IBF welterchampion, gusto niyang i-knockout ang 42-year-old na si Pacquiao upang tuluyan na itong pagretiruhin sa pagboboksing.

“I think I was 80% or 75 for Danny (Garcia),” ani Spence sa isang interview.  “I wasn’t right for Danny. And I wasn’t right at all. I just know if he was going to beat me, he was going to be in a real dog fight to beat me. And I knew I could beat him and outbox him easily.”

Unang laban ni Spence ang sagupaan nila ni Garcia matapos nitong malusutan ang makatatakot na car accident noong October 2019 na muntik na niyang ikamatay.

Iyon umano ang rason kung bakit hindi siya 100% nang maharap sila ni Garcia kaya tinalo lang niya ito via unanimous decision lang.

“Now, I’m sharp as heck. I feel strong. I’m about 158 right now,” ani Spence. “I want to get as strong as I can to knock out Manny Pacquiao and send him off to retirement.”

Inaasahan din ni Spence na 100% ang kundisyon ni Pacquiao dahil nagbanta rin ito na ipatitikim sa kanya ang una niyang pagkatalo.

“I’m expecting the same Manny Pacquiao we see every time, he will come to fight. I’m definitely coming to fight. I’ll be a lot stronger, better than my previous fights,” wika nito.

Winarningan din nito ang kampo ni Pacquiao sa umano’y paggamit ng kanyang mga nakaraang mga laban bilang basehan ng kanilang laban.

“If he’s looking at that, he should be looking at the Chris Algieri, Lamont (Peterson) and Kell Brook fights to find something. If he’s looking at the last fight thinking he’s found a weakness, he’s going to be in trouble,” pagbabanta pa ni Spence.