Pacman, Yoo abala sa promosyon ng kanilang laban

Pacman, Yoo abala sa promosyon ng kanilang laban

October 12, 2022 @ 1:01 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Abala ngayon sa South Korea si Filipino boxing champion Manny Pacquiao sa pagpopromote ng kanilang exhibition game ni martial artist DK Yoo.

Lumahok ang dating senador sa press conference kasama ang YouTube star para kanilang charity fight sa darating na Disyembre 11.

Ayon sa ulat, magiging dalawang minuto kada rounds lamang ang laban at gagamit sila ng 10 ounce gloves.

Sinabi ni Pacman na ang perang kikitain niya sa laban ay gagamitin para sa pagpapatayo ng bahay ng kanyang mga kababayan sa Pilipinas habang ang ilan ay mapupunta sa bilang tulong sa naapektuhan ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Maraming Filipino ang atat nang makitang muli ang Pambansang Kamao na lumaban sa ibabaw ng ring kahit ito pa ay isang exhibition fight lamang.JC