Pacquiao at Matthysse, pasok sa weight limit

Pacquiao at Matthysse, pasok sa weight limit

July 14, 2018 @ 11:48 AM 4 years ago


Kuala Lumpur – Pasok sa weight limit na 147 ang pambato ng Pinas at ang pambato ng Argentina para sa WBA Welterweight title match sa Axiata Arena sa Linggo.

Sa ginanap na weigh in ngayong Sabado sa Malaysia International Trade and Exhibition Center, tumimbang si Pambansang Kamao Manny Pacquiao  ng 146 lbs. habang nasa 146.7 lbs. naman ang bigat ng nagdedepensang Argentine fighter na si Lucas Matthysse.

Kasama ni Pacquiao sa weigh-in sina Bureau of Corrections chief Ronald dela Rosa, Solicitor General Jose Calida, Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, Navotas Rep. Toby Tiangco at dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

Bukas ng umaga na ang nakatakdang ‘Fight of Champions’. (Remate News Team)