Pacquiao binira ni Horn

Pacquiao binira ni Horn

August 6, 2020 @ 10:47 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Maaari umanong nakamit na ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang lahat ng tagumpay sa larangan ng boksing pero hindi umano ito ang pinakamagaling sa welterweight sa mundo, ayon sa dati nitong nakalaban na si Jeff Horn.

Nagsagupa sina Horn at Pacquiao noong 2017  kung saan natalo ang Pinoy sa kanilang WBO world welterweight title fight sa pamamagitan ng controversial unanimous decision sa home town ni Horn sa Brisbane, Australia.

Ginulpi naman ni Terence Crawford si Horn sa kanyang ikalawang pagdepensa sa hawak na titulo noong June 2018 at natalo ito via ninth-round technical knockout.

Matapos makalaban sina Pacquiao at Crawford, kumbinsido si Horn na mas magaling ang unbeaten American kontra kay Pacquiao.

“Pacquiao is intense but Crawford’s a smart dude. If Pacquiao was to rush at him like he would probably do to me, Crawford could possibly outbox him,” ani Horn.

Target ni Top Rank promoter Bob Arum na ikasa ang Pacquiao unification bout sa Nobyembre. Nagpahayag din si Crawford ng kagustuhang makalaban si Pacman.

“It’s a very interesting fight because styles do make fights and Crawford knows he is going to come at him, he is going to be in with boxing skills but it’s a hard one to answer,” ani Horn.

“I think Crawford is probably the best in the welterweight division at the moment.”

Ayon sa ulat, nakabangon na si Pacman sa nalasap nitong kontrobersyal na pagkatalo kay Horn noong 2017 matapos magwagi sa huli nitong tatlong laban at maagaw ang WBA world welterweight title na nagluklok sa kanya bilang oldest welterweight champion sa kasaysayan at kaisa-isang boxer na humawak ng world titles sa apat na magkakaibang dekada.

Kahit umano gumawa pa ng kasaysayan si Pacman, sinabi ni Horn na mas malakas sa kanya si Crawford at mas matalino.

“It’s hard for people to listen and believe because I fought him and got beaten by him, so they might say he’s just saying that because he lost,” ani  Horn.

“He is a very talented fighter and boxer and he’s smart in there as well. He is not a dumb fighter, he knows what to do and that’s what makes him a great fighter.”

Nakatakdang sumagupa si Horn (20-2-1, 13Kos) kontra kay unbeaten prospect Tim Tszyu (15-0, 11KOs) sa August 26 sa Queensland Country Bank Stadium sa Townsville, Australia. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...