Pacquiao, feeling young pa rin!

Pacquiao, feeling young pa rin!

July 26, 2018 @ 1:31 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – “Even now, kahit mag-40 na ako sa December, but I feel 27, 28 years old,” sabi ni Manny Pacquiao sa kanyang speech sa congratulatory dinner sa Makati.

Ibinahagi pa ng pambansang kamao na ‘Happiness’ ang kanyang sikreto sa pagiging feeling young.

“Kasi the more na maging malungkot ka, problemado ka, nakakatanda, pero ‘pag laging happy ka, huwag mong pansinin ‘yung problema,” sabi pa nito.

Matapos ang iba’t ibang procedures at test na pinagdaanan niya bago ang laban kay Lucas Matthysse, lumabas sa results na wala itong sakit o komplikasyon sa katawan.

Pagkatapos ay nanalo siya laban kay Matthysse at inangkin ang WBA Welterweight belt.

Sinabi rin ni Pacquiao sa mga reporter na nais muli niyang makipagbakbakan sa Disyembre.

“My journey in boxing is not done yet… So expect more fights to come” – Pacquiao. (Remate News Team)