Pacquiao gustong lumaban sa Pinas

Pacquiao gustong lumaban sa Pinas

November 7, 2022 @ 9:51 AM 3 weeks ago


GENSAN – Bukas umano ang retiradong boxing legend na si Manny Pacquiao sa posibilidad ng isang huling laban sa harap ng kanyang mga mahal na kababayan kahit na ito ay para lamang sa isang exhibition bout.

“Bakit hindi? Pangarap natin na makalaban dito sa Pilipinas muli. Matagal nang panahon na (hindi) nasilayan ng personal ng ating mga kababayan ang laban ni Manny Pacquiao,” ayon sa Pinoy ring icon at dating senador.

“Kahit mga exhibition match lang,” dagdag nito.

Binanggit ni Pacquiao, na magiging 44 taong gulang sa susunod na buwan, ang gayong posibilidad sa muling paglulunsad ng boxing program na kinikilala sa pagtuklas ng talento at kakayahan ng southpaw fighter na minamahal sa lungsod na ito sa rehiyon ng Soccsksargen.

“Planuhin natin yan,”  wika nito.

Huling lumaban sa bansa si Pacquiao noong  2006, kung saan umiskor ito ng unanimous decision kontra kay Mexican Oscar Larios sa Smart Araneta Coliseum.

Kasalakuyang nag-eensayo si Pacquiao sa probinsiya para kanyang Dec. 11 exhibition match kontra sa tanyag na Korean vlogger na si  DK Yoo.JC