Pacquiao kay Duterte: Hinaing ng mas maraming Pinoy, inihayag ko lang



Pacquiao kay Duterte: Hinaing ng mas maraming Pinoy, inihayag ko lang

June 10, 2021 @ 7:13 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ni Senator Manny Pacquiao ang kanyang sarili kasunod ng pasaring sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-aral muna bago magsalita sa isyu sa foreign policy.

Nabatid na isa si Pacquiao sa mga personalidad na bumabatikos sa kulang na pagtugon ng gobyerno sa territorial dispute ng China sa West Philippine Sea.

Bagama’t inirerespeto ang opinyon, hindi naman sinang-ayunan ng senador ang assessment sa kanya ng Pangulo ukol sa pang-unawa niya sa foreign policy.

Depensa ng senador, inihahayag lang niya ang mga dapat sabihin.

Naniniwala din si Pacquiao na ang kanyang pahayag ay sumasalamin sa sentimiyento ng mayorya ng mga Pilipino kaugnay ng pagprotekta sa sovereign rights ng bansa habang isinusulong ang mapayapa at diplomatikong solusyon sa WPS dispute. RNT


  •  
  •  
  •