Pacquiao knockout kay Quiboloy

Pacquiao knockout kay Quiboloy

February 16, 2022 @ 5:31 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Habang naghahanda ang SMNI media network ni Apollo Quiboloy para sa Presidential debate na inayawan ni presidential candidate Manny Pacquiao, lumabas ang balita na binasura ng Makati prosecutor’s office ang cyberlibel complaint ni Pacquiao laban sa pastor.

Base sa nakalap na resolusyon mula sa korte, nagsasaad ito bigo si Pacquiao na patunayan na ang respondent [Quiboloy] ay gumawa ng mga pahayag na iyon na alam ang kanilang kamalian at walang ingat na pagwawalang-bahala kung sila ay mali o hindi.”

Noong 2021, isinampa ni Pacquiao ang kaso laban sa tagapagtatag ng Kingdom of Jesus Christ — kasalukuyang pinaghahanap ng FBI sa mga kaso ng sex trafficking.

Sa reklamo, hiniling ni Pacquiao na magbayad ng P100 milyon si Quiboloy matapos nitong sabihin sa live na telebisyon at sa isang post sa social media na ginamit ng senador ang pondo para sa planong Sarangani Sports Training Center.

Ayon sa Makati prosecutor’s office, nabigo ang kaso ni Pacquiao na magtatag ng malisya sa panig ni Quiboloy.

Sa isang pahayag, sinabi ng kampo ni Quiboloy na natanggap na nila ang resolusyon ng kaso noong Enero 21.

“Talagang nanaig ang katotohanan at katarungan,” ayon sa statement ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Ang isa pa, aniya, ay ang dikta ng kanyang konsensiya, dahil hindi niya kayang maging bahagi ng anumang aktibidad na inorganisa ng isang lalaking hinahanap para sa kasuklam-suklam na mga krimen at na walang konsiyensyang ginamit ang pangalan ng Panginoon nang walang kabuluhan para sa relihiyosong mga panloloko.”JC