Pacquiao lusot na sa tax evasion case!

Pacquiao lusot na sa tax evasion case!

October 8, 2022 @ 11:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nanalo si boxing legend Manny Pacquiao nitong Biyernes sa ilang taong laban sa korte upang makaiwas sa pagbabayad ng milyon-milyong dolyar na extra taxes matapos ibasura ng appeals court ang kaso laban sa kanya.

Inakusahan si Pacquiao at kanyang asawa na si Jinkee ng Bureau of Internal Revenue noong 2012 ng P2.2 bilyon ($37 million) unpaid taxes para sa 2008 at 2009.

Nauna nang iginiit ng 43-anyos na nagbayad siya ng buwis sa Estados Unidos, at hindi na kailangang magbayad sa Pilipinas dahil may kasunduan ang dalawang bansa na pumapayag sa mga mamamayan na maiwasan ang double taxation.

Magugunitang sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino, naging maigting ang kampanya laban sa tax evasion bilang bahagi ng general crackdown sa korupsyon.

Isa si Pacquiao, dating world champion at politiko, sa mga highest-profile targets ng kampanya ng tax office.

Subalit ayon sa Court of Tax Appeals, bumase lamang ang tax office sa “unverified news articles” para sa assessment nito.

Sa 49-page judgement, inihayag ng korte na “assessment for deficiency income tax is void for violation of petitioners’ right to due process and for lack of sufficient factual basis”.

Inilabas ang desisyon noong Setyembre 29 subalit isinapubliko lamang nitong Biyernes.

“Since the start of my career, I have made sure to pay all my taxes because this helps our government,” pahayag ni Pacquiao.

“I thank the Lord that the truth has come out.”

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang tax office ukol dito. RNT/SA