Pacquiao, panalo laban sa P3.3B suit sa tax court

Pacquiao, panalo laban sa P3.3B suit sa tax court

August 3, 2018 @ 8:39 AM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Bukod sa pagkapanalo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao kay Argentinian boxer Lucas Matthysse, panalo rin ang Senador laban sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kaso tungkol sa koleksyon ng kaniya umanong P3.3-billion underpaid taxes na nakabinbin sa Court of Tax Appeals.

Inatasan ng First Division tax court ang BIR na tigilan na ang koleksyon nito ng multi-billion-peso tax deficiency laban kay Pacquiao at kaniyang asawa na si Jinkee para sa taong 2008 at 2009 habang ang kanilang civil case ay nagpapatuloy pa rin.

“Respondent is hereby ordered to cease and desist from implementing the subject FDDA (Final Decision on Disputed Assessment) and from collecting the subject deficiency tax assessments issued against petitioners for taxable years 2008 and 2009 for lack of merit,” sabi ng CTA sa resolusyon na may petsang July 27.

Bukod pa rito, naglabas din ang CTA ng ‘warrants of distraint and/or levy and garnishment on the disputed tax assessment’  hanggat hindi pa pinal ang kaso.

Noong July 2013, nag-isyu si dating BIR Commission Kim Jacinto-Henares ng freeze order laban sa sahod ni Pacquiao para sa kanilang tax liability na nagkakahalaga ng P2.26 billion. Ang halagang ito ay umabot ng P3.3 billion dahil sa mga penalty at surcharges.

Inisyuhan din ng tax lien ang mag-asawa. Ibig sabihin nito, hindi maaring magbenta ang dalawa ng kanilang ari-arian upang maprotektahn ang interes ng estatdo dahil maaaring kunin ng BIR ang mga ito bilang bayad.

Pinirmahan ni Presiding Justice Roman Del Rosario ag resolution kasama sina Associate Justices Erlinda Uy at Cielito Mindaro-Grulla. Remate News Team