Pacquiao, pinarangalan ng Senado sa pagkapanalo vs Matthysse

Pacquiao, pinarangalan ng Senado sa pagkapanalo vs Matthysse

July 25, 2018 @ 1:16 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Lahat ng mambabatas na miyembro ng Mataas na Kapulungan ay nagkasundo upang parangalan si Senador Manny Pacquiao sa pag-agaw ng World Boxing Association title nang ma-technical knock-out nito si Argentinian boxer Lucas Mattysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nitong Martes, inaprubahan ng lahat ng 21 senador ang Senate Resolution No. 788 na nagbibigay puri kay Pacquiao nang matalo nito si Matthysse na nagbigay ng  “pride, joy and glory” sa sambayanang Filipino.

“Naghatid ng karangalan, kaligayan at glorya ang pagkapanalo ni Pacquiao laban kay World Boxing Association Welterweight Champion Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia, nitong  July 15, sa harap ng sigalot pulitikal at ekonomikal ng ating bansa,” ayon sa resolusyon.

Walang tumutol o nag-abstain sa resolusyon.

Sa kanyang responde sa resolusyon, pinasalamatan ni Pacquiao sina Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro-Tempore Ralph Recto at Senador JV Ejercito na personal na nanood sa Kuala Lumpur upang masaksihan ang kanyang laban.

“Marubdub kong ikinagagalak ang inyong  mga dasal at suporta kabilang ang inyong pagbati sa social media. Kaya salamat for upholding me and Team Pacquiao in prayers. Thank you for the honor and recognition that you have given me, fellow senators,” ayon kay Pacquiao sa kanyang speech nitong Martes ng gabi.

Sinabi pa ni Pacquiao na iniaalay niya ang kanyang tagumpay sa sambayanang Filipino at sa Dakilang Lumikha kaya’t nagpasalamat siya sa lahat ng mga mamamayan na sumoporta sa kanya.

“My victor is not just for me and my family, it is for our country and for God’s greater glory,” aniya.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Pacquiao na wala siyang sakit sa puso taliwas sa kumakalat matapos siyang sumailalim sa angiogram procedures.

“Ok ang puso ko. Malusog ang puso ko. Ramdam ko, mas malakas ako Ngayon at mas batas kaysa dati,” aniya,

“Magpapatuloy ang pagmamahal ng aking puso at pagkalinga sa ating mamamayan. Patuloy kong papupurihan ang Panginoon at ating bansa, sa loob at labas ng ring,” giit niya.

“Maraming salamat po,” patapos niya. (Ernie Reyes)