Manila, Philippines – Pinuri ng ilang kaalyado sa Senado si Senator Manny Pacquiao sa pagkapanalo kay Argetine boxer Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia sa isang technical knock-out decision.
Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Senado Joel Villanueva at Cynthia Villar na kapag may hard work at determinasyon, hindi imposible ang mga panalo ni Pacquiao.
“Nakikiisa ako sa buong bansa sa pagbati kay Sen. Manny Pacquiao para sa kanyang pagpanalo laban kay Argentine boxer Lucas Matthysse. Indeed, with hard work and determination, nothing is impossible. Thank you for once again bringing so much honor to the country. Job well done, Sen. Manny!,” ani Villanueva.
“Mabuhay ang ating Pambansang Kamao!,” dagdag niya.
Tulad din ni Villanueva, sinabi ni Villar na muling ipinakita ni Pacquiao na walang imposible kung ilalagay mo ito sa iyong puso’t isipan upang makamit ang hangarin.
“Ipinakita niya na mali ang kanyang mga kritiko at sa proseso, nagpatuloy siyang maging inspirasyon ng ating kabataan na hindi dapat sumuko sa harap ng nakalulunod na pagsubok,” ayon kay Villar.
“Pinasasalamatan ko si Manny sa matinding paglaban at ginawa nya ipinagmamalaking lahi ang mga Filipino,” ayon pa kay Villar. Ernie Reyes