Pacquiao, tumulak na pa-Malaysia

Pacquiao, tumulak na pa-Malaysia

July 9, 2018 @ 7:27 PM 4 years ago


Lumipad na patungong Kuala Lumpur, Malaysia ang kampo ni Senator Manny Pacquiao para sa Fight of Champions: Pacquiao vs Matthysse sa darating na Linggo, Hulyo 15.

Hapon na kaninang mag-aalas-4 nang bumiyahe ang Team Pacquiao mula sa General Santos City International Airport.

Nasa 198 ang mga taong kasama ng fighting senator kabilang ang mga malalapit na kaibigan, mga kamag-anak at ilang opisyal sa bansa. (Remate News Team)