Pacquiao vs Crawford iaanunsyo na kung tuloy o hindi

Pacquiao vs Crawford iaanunsyo na kung tuloy o hindi

February 23, 2021 @ 7:42 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Malalaman na umano kung ano ang kahihinatnan nang nilulutong laban sa pagitan nina eight division world champion Manny Pacquiao at Terence Crawford.

Ayon kay Top Rank boss Bob Arum, isang investor ang handang sagutin ang napakalaking premyo na hinihingi nina Pacquiao at Crawford.

Inamin din ni Arum na ngayon Linggo na rin malalaman kung matutuloy ba o hindi ang laban ng dalawa.

Sinabi ni Arum na isang investor mula sa Middle East ang handang sagutin ang premyong hinihingi ng dalawang fighter  —  $40 million para kay Pacquiao at $10 million kay Crawford.

“Somebody is willing to spend big money to get the Crawford-Pacquiao fight and the site fee, that then distorts everything,” ani Arum.

Matatandaang naging pangunahing alaga ni Arum si Pacquiao sa mahabang panahon bago ito naghiwalay ng landas.

Si Crawford, unbeaten World Boxing Organization welterweight champion, sa itinuturing na pinakamagaling na pound-for-pound fighter sa ngayon pero hindi nakuha ang kasikatan at charisma ni Pacquiao lalo na sa pay-per-view draw.

Nitong nakaraang Linggo, inihayag ni Pacquiao na gusto nitong makalaban si Crawford at sinabi nito kung magkano ang kanyang nais na premyo.

Inihayag ni Arum na kung hindi umano nila mapo-produce ang premyong hinihingi ni Pacquiao, ilalaban na lang umano nila si Crawford kay Shawn Porter.

Inilista ni Pacquiao si Crawford bilang No. 1 sa kanyang nais makasagupa sa susunod nitong laban kasama si World Boxing Council and International Boxing Federation titlist Errol Spence na una nang nagpahayag na hindi interesadong sagupain ang Pambansang Kamao.

Alam ni Arum na kikita ang Crawford-Spence pero mas marami umanong perang kikitain sa Pacquiao-Crawford lalong-lalo na kung sasagutin ng investor ang gastos sa premyo at bayad sa site. Rico Navarro


  •  
  •  
  •