Pacquiao vs Crawford maikakasa sa 2021 – Arum

Pacquiao vs Crawford maikakasa sa 2021 – Arum

November 17, 2020 @ 4:19 AM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

UNITED STATES – Kumpiyansa si Top Rank CEO Bob Arum na maikakasa nila sa susunod na taon ang mega-fight sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at American superstar Terence Crawford.

Sinabi ni Arum na kakausapin nila ang kampo ni Pacquiao matapos ang panalo ni Crawford via technical knockout kontra kay Kell Brook.

“Now, they called us and said if Terence is successful, then we want to resume talks and see if we can do it in the spring,” ani Arum.

Matatandaang noong Hunyo pa lamang ay umaasa na ang beteranong promoter na maikakasa nila ang laban ng dalawa na target gawin sa Bahrain.

Tahasang inamin ni Crawford na pangarap niya talagang makaharap ang Pinoy boxing icon at fighting senator na si Pacquiao.

Nais umano nitong talunin si Pacquiao sa isang hindi makalilimutang laban.

 “I want to revisit that fight,” ani Crawford. “We had the venue. The money was almost there. It wasn’t quite there. That was the only thing we were waiting on.”

Hindi pa naman sinasagot ng kampo ni Pacquiao ang hamon ni Crawford. Rico Navarro


  •  
  •  
  •