Pacquiao vs Horn rematch, abangan – Coach Freddie Roach

Pacquiao vs Horn rematch, abangan – Coach Freddie Roach

July 30, 2018 @ 8:15 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Napagkasunduan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at Hall of Fame trainer Freddie Roach na muli silang magsasama sa susunod na laban ng boksingero.

Napag-usapan ng dalawa na gustong makaharap ni Pacquiao sa isang rematch ang dating WBO welterweight champion Jeff Horn ng Australia.

Nanalo si Horn noong Hulyo 2, 2017 sa isang kontrobersiyal na 12-round unanimous decision laban kay Pacquiao na pinanuod ng 54,000 boxing fans sa Suncorp Stadium sa Brisbane.

Si Horn ay natalo via 9th round knockout sa Amerikanong si Terence Crawford upang agawin ang WBO welterweight title noong Hunyo 9 kasalukuyang taon sa Las Vegas, Nevada, kaya’t agad nitong hinamon si Pacquiao nang manalo ito laban kay Matthysse.

“I talked to Manny and I told him that he looked good. I think his opponent tried to pack it in early. He couldn’t handle Manny’s pressure,” ayon kay Roach.

“It was a good fight for him. We have had several conversations where we have talked about working together.”

“I’m very busy with my boys right now. With fighters like Alberto Machado. The truth is I’m happy with the 16 years I was next to Manny. He is already 39 years old,” dagdag pa niya.

“He still has good speed and power. But father time does not forgive and we all get slow.”

Ayon kay Roach ang rematch sa pagitan ni Pacquiao at Horn ay ang pinakamagandang laban para sa Pinoy Boxer bago ito magretiro sa kanyang larangan sa boxing. Remate News Team