Padala ng mga overseas Pinoy, bumaba – BSP

Padala ng mga overseas Pinoy, bumaba – BSP

March 15, 2023 @ 1:13 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Bumaba ang remittance inflows o padala ng mga overseas Filipino noong Enero kasunod ng record-high na naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong Disyembre 2022.

Ayon sa BSP, ang cash remittances — o perang ipinapadala sa pamamagitan ng mga banko o iba pang plataporma, ay nasa $2.762 billion, o mas mababa mula sa historic $3.199 billion noong Disyembre 2022.

Sa kabila nito, mas mataas pa rin naman ito kumpara sa $2.668 billion noong Enero 2022.

ā€œThe expansion in cash remittances in January 2023 was due to the growth in receipts from land- and sea-based workers,ā€ pahayag ng BSP nitong Miyerkules, Marso 15.

Nangunguna ang Estados Unidos sa may pinakamalaking pinanggagalingan nito sa 41.9% ng kabuuang remittances noong Enero, sinundan ng Singapore sa 7.2%, Japan at Saudi Arabia na may tig-5.9%.

Sinundan naman ito ng United Kingdom sa 4.8%, United Arab Emirates sa 3.2%, Canada sa 3.2%, Taiwan sa 2.7%, Qatar sa 2.7%, Malaysia sa 2.5%, at iba pang mga bansa sa 20.2%.

Mas mababa rin ang naitalang personal remittances, o perang naipadala sa pamamagitan ng cash o in-kind via informal channels, sa $3.077 billion, kumpara sa $3.487 billion noong Disyembre 2022.

Mas mataas naman ito kumpara sa $2.966 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. RNT/JGC