Padilla kailangan ng ‘lots of schooling’ bilang Cha-cha panel chair – Drilon

Padilla kailangan ng ‘lots of schooling’ bilang Cha-cha panel chair – Drilon

June 3, 2022 @ 10:33 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – “Nangangailangan ng maraming pag-aaral” si Senator-elect Robin Padilla bilang chairman ng Senate Constitutional Amendments and Revisions of Codes ani outgoing Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Drilon na kaisa siya ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na nakatakdang maupo bilang susunod na pangulo ng Senado, sa pagpapayo kay Padilla na mag-aral nang higit pa sa pagtarget niya bilang chairman ng isa sa mga pangunahing komite sa Senado.

“You know the committee that he chose to head, the Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes and Laws, this requires…legal knowledge and not only legal knowledge, you must have an exposure to the Constitution and it also said revisions of codes and laws and the codes there would refer to major laws like Civil Code, the Revised Penal Code, the Corporation Code, all the codified laws,” ani Drilon sa ANC interview.

“And it’s not easy to do that. I don’t claim to know all of those, but certainly to a neophyte senator who has no exposure to these subjects, he needs a lot of schooling,” saad ng beteranong mambabatas.

Dagdag pa, sinabi ni Drilon na dapat ay makapagdebate si Padilla sa “substance” ng amendment na gusto niyang ipakilala sa Konstitusyon upang siya ay “makabuo ng pinaka-makatwirang patakaran.”

Noong Miyerkules, ibinunyag ni Zubiri na ang grupo ni Padilla ay nakikipag-negosasyon sa kanyang bloke para kuhanin ang chairmanship ng Senate Committee on Constitutional Amendments sa neophyte senator. RNT