Padilla sa martial law issue: Move on na

Padilla sa martial law issue: Move on na

September 21, 2022 @ 10:28 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakiusap si Senator Robinhood Padilla na mag-move on na ang mga Filipino sa usapin ng martial law.

Ito ay kasabay ng paggunita ngayong araw ng deklarasyon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong Setyembre 21, 1972.

Matatandaan na patuloy pa rin ang pagpapahayag ng hinanakit ng mga biktima ng martial law na ayon sa kanila, ang ilan ay nasawi, pinahirapan o nawala na lang at hindi na nakita.

’Para sa akin mag-move on na tayo mga anak,” ani Padilla.

‘’Kung may kasalanan man ang ating dating Pangulong Marcos Sr. hindi po kasalanan ng anak yun. Wag po tayong ganun,” dagdag pa ng Senador.

Hindi rin maiwasan na ikumpara ni Padilla ang usaping ito sa kasalanan na nagmula pa kina Adan at Eba.

‘’Ako mismo personally pag hindi tayo naka-alis dyan sa Marcos issue na yan at martial law issue na yan… Kailan pa tayo mag-gu-grow?,” pagdidiin niya. RNT/JGC