Padre de pamilya utas sa hit and run

Padre de pamilya utas sa hit and run

October 10, 2022 @ 2:06 PM 2 months ago


ECHAGUE, ISABELA – Patay ang isang 50-anyos na mister na biktima ng hit and run sa bahagi ng Provincial Road sa Pangal Norte, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jerry Tomas at residente ng kaparehong barangay.

Tumakas ang itim na Toyota Vios matapos mabangga ang biktima na tumilapon sa gilid ng daan.

Nakuha sa lugar ang ilang bahagi ng kotse na nahulog matapos na mabangga si Tomas.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang follow-up operation sa pamumuno ni PMaj. Rogelio Natividad ng Echague Police Station.

Nanawagan naman ang pulisya na ipagbigay alam kung may nakakita sa naturang insidente o kung may iba pang impormasyon makatutulong sa pagtugis sa suspek. Rey Velasco