Padrino system sa bakanteng 1K posisyon, no way sa DMW

Padrino system sa bakanteng 1K posisyon, no way sa DMW

January 12, 2023 @ 7:25 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na no way sa kanila at hindi uubra ang padrino system sa harap ng 1-libong mga bakanteng posisyon na kanilang bubuksan ngayong taon.

Sa isang panayam, sinabi ni Ople na sa kuwalipikasyon ng isang aplikante sila titingin upang ito ay kunin para maging bahagi ng DMW.

Nais aniya nilang maging competitive at pairalin ang professionalism sa kanilang hanay kaya’t kanila aniyang ibabase ang pagkuha ng kanilang magiging empleyado sa qualification at hindi dahil sa backer o padrino nito.

Ang bubuksang mga posisyon ay gagawin sa harap ng kailangang manpower na inaasahang idedeploy sa 16 na regional offices ng Department of Migrant Workers.

“This year, we will also be establishing 16 regional offices. We also need to fill-up around 1,000 vacancies; so doon po sa gustong magtrabaho sa Department of Migrant Workers, pakiabangan na lang po iyong aming announcement ng vacancies which we will also need to clear and coordinate this information with the Civil Service,” aniya pa rin

Kaya sa mga nais aniyang pumasok sa DMW, ang pakiusap pa ni Ople ay ‘pakiabang’ na lang habang patuloy ang kanilang koordinasyon sa Civil Service Commission o CSC para sa gagawing pagpupuno sa may isang libong item sa kanilang Kagawaran.

“Of course, may need kami for lawyers, may need din kami for even entry level staff, iba-iba eh, something as basic as iyong social media team namin. So kung mayroon ditong aplikante, please let me know. Need din namin ng writers, so but siyempre mas klaro pati kung anong salary grade iyong mga qualifications, lahat iyan ilalabas namin in the spirit of transparency and inclusivity and even iyong mga ex-OFWs, if they want to apply or even if they are abroad and they want to apply. I mean, the door is open, iyon na nga, ano lang, siyempre competitive iyan and we want a very professionally- run department,” litaniya ni Ople.

“So, iyong padrino system, puwedeng ano muna, we will look at the qualifications of each candidate,” pahayag ni Ople. Kris Jose