Padyak sa Bora? Gora!

Padyak sa Bora? Gora!

July 11, 2021 @ 4:11 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Naglatag ang Department of Tourism (DOT) ng programa para sa mga siklista upang maging ‘safe stop’ ng mga ito ang Boracay at magkaroon ng karagdagang akitibidad maliban sa pagpadyak.

Sa paglalahad ni Malay tourism officer Gil Delos Santos sa isang interview ay matagal ng bukas sa mga siklista ang Boracay ngunit ang mga aktibidad para rito ay hindi pa naisasagawa. Ang nasabing programa ay iaanunsiyo nila sa darating na buwan ng Setyembre. 

Ang planong ito ng DOT ay hindi lamang magbibigay oportunidad sa mga siklista kundi magpapalakas rin sa turismo ng Isla at maghahatak sa mga bibisita rito.

Aniya, maaaring marating ng mga siklista ang Boracay sa pamamagitan ng RORO na patungong Caticlan. 

“(Sa RORO) ang babayaran mo lang naman doon usually pamasahe ng tao. Tapos ‘yung bike wala naman extra charge ‘yun”, dagdag pa niya.

Maliban sa White Beach ng Boracay ay maaari na ring puntahan ng mga bibisita sa Isla ang Boracay New Coast. 

Matatagpuan ito sa Barangay Yapak at kilala bilang isa sa mga biker-friendly na lugar dahil sa kakaunting mga sasakyan dito at malalawak na kalsada. 

Bukas na ito sa publiko at maaari ring magrenta ng mga bisikleta rito sa halagang 300 pesos para sa 30 minuto. Riza Guarin