‘Paeng’ agri damage sumampa na sa P435.4M – NDRRMC

‘Paeng’ agri damage sumampa na sa P435.4M – NDRRMC

October 31, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Umakyat na sa P435.4 milyon ang pinsala ng bagyong Paeng sa agrikultura, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes.

Apektado ng pinsala ang mahigit 24,000 magsasaka.

“Ang meron lang tayong pumasok [P435.4] million in terms of damage to agriculture ang pumasok.

“That covers 16,200 hectares of crops ang apektado, bigas po ang napakarami niyan, 15,000 hectares, affecting 24,813 farmers,” ani NDRRMC spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro sa Laging Handa public briefing.

Samantala, inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sna nakapamahagi na sila ng food at non-food items na nagkakahalaga ng P48.1 milyon.

Tiniyak ng ahensya na handa silang tulungan ang mga apektado ng bagyo dahil mayroon pa silang P1.2 bilyong stockpiles at standby funds at mahigit P264 milyong available quick response funds.

“Patuloy din po tayong nakikipag-ugnayan sa mga local government units po kaugnay dito sa ongoing distribution po natin. May sapat pa po tayong pondo,” pahayag ni DSWD Undersecretary Edu Punay sa nasabing briefing. RNT/SA