‘Paeng’ death toll umakyat na sa 160 – NDRRMC

‘Paeng’ death toll umakyat na sa 160 – NDRRMC

November 12, 2022 @ 1:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Umakyat na sa 160 ang bilang ng mga naiuulat na nasawi sa hagupit ni Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae), ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado.

Sa bilang na ito 132 pataya ang ankumpirma na habang bineberipika pa ang 28.

Samantala, nasa 29 na ang bilang ng mga nawawala; 19 ang kumpirmado habang 10 ang inaalam pa.

Nananatili naman sa 146 ang bilang ng mga nagtamo ng sugat, kung sann 108 ang kumpirmado habang 38 ang bineberipika pa.

Inihayag din ng NDRRMC na 1,357,807 pamilya o 5,410,102 indibidwal ang apektado ni Paeng sa 17 rehiyon, 74 lalawigan, 834 cities/municipalities, at 10,056 barangay, ayon sa situational report.

Pumalo naman ang estimated cost of damage sa infrastructure sa P5,435,525,437.88 habang ang estimated damage sa agriculture ay P6,397,456,211.6053, dagdag ng NDRRMC. RNT/SA