Paeng victims pwedeng kumuha ng calamity loan sa Pag-IBIG

Paeng victims pwedeng kumuha ng calamity loan sa Pag-IBIG

November 3, 2022 @ 3:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Maaari nang makasali sa calamity loan program ang mga miyembro ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG mula sa mga lugar na sinalanta ng Severe Tropical Storm Paeng.

Ito ang sinabi ni Pag-IBIG Fund public affairs manager Jack Jacinto sa public briefing nitong Huwebes, Nobyembre 3 kung saan sa kanilang tala ay mayroong 344,000 miyembro ang nakatira sa mga lugar na tinukoy na labis na napinsala ng bagyo.

“Sila ay maaring makapag-apply sa ilalim ng calamity loan program,” ani Jacinto.

Aniya, ang loanable amount sa ilalim ng calamity loan program ay hanggang 80% ng ipon ng miyyembro at may interest rate na 5.95% per annum.

Maaari itong bayaran sa loob ng tatlong taon.

Dagdag pa ni Jacinto, ang mga kwalipikado sa naturang program ay ang mga aktibong miyembro na mayroong higit 24 na buwan ng kontribusyon sa Pag-IBIG fund.

Kailangan lamang ng mga ito na mag-fill up at pumirma sa application form at sertipika han ng kanilang employer. RNT/JGC