#PaengPh nakalabas na ng PAR

#PaengPh nakalabas na ng PAR

October 31, 2022 @ 5:14 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Kahit na nakalabas na ang Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae) ng Philippine Area of Responsibility (PAR), nananatiling aktibo ang wind signals sa bahagi ng Luzon, ayon sa weather bureau PAGASA nitong Lunes.

Base sa PAGASA, itinaas ang Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Timog ng Ilocos Norte

  • Ilocos Sur

  • La Union

  • Pangasinan

  • Gitnang bahagi ng Pampanga

  • Abra

  • Benguet

  • Kanlurang parte ng Mountain Province

  • Kanlurang parte ng Nueva Vizcaya

  • Kanlurang parte ng Nueva Ecija

  • Zambales

  • Gitna at timog na bahagi ng Bataan

Inaasahan pa rin ang “light to moderate with, at times, heavy rain” sa Ilocos Region, CAR, Cavite, Batangas, Laguna, timog ng Quezon, Western Visayas, Babuyan Islands, MIMAROPA, at natitirang bahagi ng Central Luzon.

Samantala, makararanas naman ng “moderate to heavy rains” sa bahagi ng Batanes, Zambales, at Bataan.

Samantala, pumasok naman sa PAR ang tropical depression nitong Lunes ng umaga, at pinangalanang Queenie, base sa PAGASA.

Lumakas si Queenie sa tropical storm kaninang alas-8 ng umaga. RNT/SA