PAF muling nagpalipad ng air assets sa nawawalang Cessna plane

PAF muling nagpalipad ng air assets sa nawawalang Cessna plane

January 31, 2023 @ 2:18 PM 2 months ago


MACONACON, ISABELA – Muling nagpalipad ng dalawang air assets ang Tactical Operations Group 2 (TOG 2) ng Philippine Air Force (PAF) upang ipagpatuloy ang paghahanap sa nawawalang Cessna Plane lulan ang 6 na katao kabilang ang isang piloto.

Matagumpay na nakapagpalipad ang grupo ng dalawang helicopter kasunod ng pagganda ng panahon.

Ayon kay Joshua Hapinat, nagsilbing tagapagsalita ng Incident Management Team (IMT), muling iikot ang grupo para sa search and rescue sa “Site Alpha” na unang tinukoy ng grupo kung saan nakita ng mga barangay officials ang white object.

Bukod dito, sinabi rin ni Hapinat na siyam mula PNP-SAF at 11 sundalo ang isusunod na ipapadala bilang karagdagdang searchers-rescuers sa nawawalang eroplano.

Sa ngayon, sinabi ni Hapinat na umaasa pa rin ang grupo na magiging tuloy-tuloy ang magandang panahon para maikot ng grupo ang tinawag nilang “Site Alpha”. Rey Velasco