Pag-aalaga ng baboy sa M’Lang, N. Cotabato, tigil muna

Pag-aalaga ng baboy sa M’Lang, N. Cotabato, tigil muna

April 27, 2022 @ 3:45 PM 2 months ago


NORTH COTABATO – Pansamantalang itinigil ang pag-aalaga ng baboy sa M’Lang, North Cotabato dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF).

Batay sa inilabas na ordinansa ng munisipyo ng M’Lang, hanggang Hunyo 15 na lamang muna pwedeng mag-alaga ng baboy sa nasabing bayan.

Ayon sa agriculturist ana si Arlene Encarnacion, magsasagawa muna sila ng disinfection at saka magsasagawa ng repopulation kapag wala nang naitalang kaso ng sakit.

Kaugnay nito, naglabas na ang lokal na pamahalaan ng M’Lang ng nasa P15 milyon bilang bayad-pinsala sa 3,800 hog raisers na apektado ng ASF.

Bukod dito, magbibigay din ang Department of Agriculture ng tulong pangkabuhayan sa mga hog raisers. RNT/ JCM