Pag-aalis ng 12% VAT sa basic commodities suportado ng PCCI

Pag-aalis ng 12% VAT sa basic commodities suportado ng PCCI

October 14, 2022 @ 9:35 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Suportado ng pinakamalaking business group na Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang ipinanukala sa Kamara na pag-aalis ng value-added tax (VAT) sa mga basic commodities katulad ng tinapay, asukal at mantika.

Ayon kay PCCI president George Barcelon, ang hakbang na ito ay makatutulong hindi lamang sa mga consumers kundi maging sa mga negosyo at matutulungan pa ang mga Filipino na makaahon sa hirap.

“Yes, especially now as food prices and [agriculture] products are going up, the waving of the VAT would lessen the burden on consumers,” pahayag ni Barcelon nang tanungin sa opinyon ng business community tungkol sa naturang panukala.

Dagdag pa niya, mas makakabenta ng marami ang mga lokal na negosyo kung bababa ang presyo ng mga pangunahing produkto sa pag-aalis ng VAT.

“At least 12 percent from the overall cost can be removed. I think that would be the least price reduction that a seller can do,” paliwanag niya.

Matatandaan naghain ang Makabayan bloc ng House Bill No. 5504 na mag-aamyenda sa Tax Reform Act of 1997 at maglalagay ng probisyon sa VAT exemptions partikular na sa mga basic commodities.

Tinukoy rin dito na ang basic commodities ay ang tinapay, canned pork, beef, fish at iba pang marine products. Kasama rin dito ang instant noodles, biskwit, asukal at asin.

Isinama rin ang cooking oil, laundry soap, detergent, firewood, charcoal, kandila at gamot na isasama ng Department of Health. RNT/JGC