Pag- aalis ng Alert level system nilinaw ni Concepcion

Pag- aalis ng Alert level system nilinaw ni Concepcion

February 4, 2022 @ 2:27 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nilinaw ni Presidential Adviser on Entrepeneurship Joey Concepcion ang kanyang naging mungkahi na huwag nang gamitin pa ang Alert level system.

Ani Concepcion, nagkaroon ng kaunting hindi pagkakaunawaan sa bagay na ito.

Dagdag pa nito, ang punto ng kanyang suhestiyon ay huwag lang namang gawing palaging umiiral ang Alert level.

Sa kanyang mungkahi, ibalik at ipatupad lang ang alert level system kapag may nakitang banta ng pagtaas sa kaso na posibleng idulot ng iba pang variant.

Wala rin aniyang pinagkaiba ang kanyang mungkahi sa pagpapatupad ng typhoon alert level na nagkakaroon lamang ng implementasyon kapag may paparating na bagyo.

Dapat din aniyang baguhin ang direksiyon ng pagbangon ng bansa at kailangang maging optimistiko habang nagpapatupad ng bagong protocol at patuloy na nag- oobserba sa minimum public health standards. Kris Jose