Pag-aangkat ng 64,050 MT ang asukal, pinapapaspasan ni PBBM

Pag-aangkat ng 64,050 MT ang asukal, pinapapaspasan ni PBBM

December 21, 2022 @ 3:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siya ring Kalihim ng Department of Agriculture (DA), sa ahensya na bilisan ang pag-aangkat ng libo-libong metric tons ng asukal upang ma-stabilize ang presyo nito.

Sa ilalim ng DA Memorandum Order No. 77, Series of 2022, na nilagdaan ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban noong December 20, 2022, ipinag-utos kina Minimum Access Volume (MAV) Secretariat officer-in-charge at Executive Director Jocelyn Salvador na agad na i-convene ang MAV Advisory Council.

Alinsunod ito sa direktiba ni Marcos sa DA “to take action and to stabilize sugar prices,” dahil “concerned” ang Pangulo sa “very high inflation rate.”

Sinabi ng DA na base sa November 2022 inflation report, ang annual inflation increment para sa asuka, confectionery, at deserts ay umabot na sa 38%.

Sahil dito, ipinag-utos sa MAV Advisory Council na mag-convene “to expedite the importation of 64,050 metric tons of refined sugar through the MAV mechanism.”

Tumutukoy ang MAV sa volume o quantity ng partikular na  agricultural commodity na maaaring angkatin na may mas mababang taripa. Ang MAV ay commitment ng Pilipinas sa World Trade Organization upang pangasiwaan ang trade sa pagitan ng mga bansa. RNT/SA