Pag-aangkat ng asukal, pinalagan ng Makabayan solon

Pag-aangkat ng asukal, pinalagan ng Makabayan solon

February 18, 2023 @ 2:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kinondena ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene D. Brosas ang pagpayag ng pamahalaan na mag-angkat ng 440,000 metric tons ong f refined sugar, na umano’y makakasabotahe sa local sugar industry.

Ang pahayag ni Brosas ay kasunod ng pag-isyu ng Sugar Regulatory Administration nitong Miyerkules ng koya ng Sugar Order No. 6, na nagbibigay ng awtorisasyon sa panibagong round ng pag-aangkat kahit na walang lagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni Brosas na dapat alam ng pamahalaan ang “negative effects of over importation of agricultural products” sa mga magsasaka nang lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang rice liberalization law noong 2019 na nagkakalos ng restriksyon sa rice imports.

Sa kabila ng apela ng mga lokal na magsasaka, inihayag ni Brosas na tila lumalabas umano na nais ng Marcos administration “to sabotage the local sugar industry” sa pamamagiyan ng pag-aangkat ng asukal kahit na tinataliwas ito ng mga lokal na magsasaka.

“This anti-farmer and anti-worker move will lead to massive loss of jobs and livelihood amid the economic crisis. Worse, it will not even control the ongoing decline in the country’s sugar production and increasing prices of sugar in the market,” pahayag niya.

Binanggit ng mambabatas ang Central Azucarera Don Pedro Inc. (CADPI), ang ikalawang pinakamalaking azucarera sa Luzon, na napilitang magsara dahil sa operational at financial challenges.

“The most effective solution to this issue is for the government to provide subsidies for the operations of local sugarcane planters. President Marcos Jr. must veer away from his addiction to importation and subsidize fuel and fertilizers which has been rising for many years,” dagdag niya.

Nauna nang naghain si Brosas ng House resolution na naglalayon na magsagawa ng imbestigasyon sa pagsasara ng CADPI at epekto nito sa sugar workers at mga magsasaka sa Batangas.

Nitong nakaraang taon, naharap sa kontrobersiya si Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian sa paglagda niya sa sugar order, at iba pang ex-officials ng the SRA.

Inirekomenda batay sa imbestigasyon na isinagawa ng Senate Blue Ribbon Committee na kasuhan ang mga opisyal sa Office of the Ombudsman.

Subalit, ibinasura ng Office of the President ang mga kaso laban sa kanila. RNT/SA