Pag-aangkat ng sibuyas sinisilip ng DA

Pag-aangkat ng sibuyas sinisilip ng DA

November 29, 2022 @ 1:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Martes na kinokonsidera nito ang posibleng pag-aangkat ng sibuyas upang tugunan ang market demand sa gitna ng pagtaas sa presyo nito.

Inamin ni DA spokesperson Rex Estoperez na mayroong problema sa supply ng red onions, kung saan 5,000 metric tonnes lamang ang inaasahang maani sa susunod na buwan.

“Maliit kasi ang ating imbentaryo sa pula. Naghihintay tayo sana ng harvest pero ang peak season pa niyan [ay] sa February. Sa ngayon, mga 13,000 [metric tonnes] ang ine-expect natin by December, pero kokonti pa rin ‘yun,” pahayag niya.

Sinabi naman ni DA Assistant Secretary and spokesperson Kristine Evangelista na natuklasan nila na ilang mga nagbebenta ang tinaasan ang presyo nito hanggang P300 kada kilo.

Sa nalalapit na kapaskuhan, sinabi ni Estoperez ng konsultasyon ng DA sa una o ikalawang linggo ng Disyembre upang tugunan ang problema. Kailangan din umano nilangi-check ang imbentaryo ng sibuyas sa cold storage facilities.

“Ang gagawin namin siguro sa ngayon, titignan namin saan nanggagaling ito. Worst case is that mag-i-import na naman tayo para matugunan ‘yung pangangailangan especially magho-holiday na,”  aniya.

“Kung kailangan nating mag-import, mag-import tayo,” dagdag ng opisyal. RNT/SA