Pag-aaral sa pagbabakuna sa 4-anyos pababa vs COVID, wala pang resulta- DOH

Pag-aaral sa pagbabakuna sa 4-anyos pababa vs COVID, wala pang resulta- DOH

January 16, 2022 @ 1:48 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring datos ang mga eksperto kaugnay sa pagbibigay ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine para sa mga apat na taon pababa.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Health Usec. Leopoldo Vega, na sa ngayon, pinag-aaralan pa rin ito ng technical experts panel.

Wala pa rin aniyang mga vaccine makers na nag-aapply ng Emergency Use Authorization para sa apat na taong gulang pababa.

Bunsod nito, ang tanging pinaghahandaan talaga aniya sa kasalukuyan, ay ang pagbabakuna para sa sa 5 hanggang 11-anyos.

Posible aniya na sa katapusan ng Enero o pagpasok ng Pebrero masisimulan ang pagbabakuna para sa lima hanggang labing isang taong gulang. Kris Jose