Pag-absent ng police escort ni Degamo, kahina-hinala – Ejercito

Pag-absent ng police escort ni Degamo, kahina-hinala – Ejercito

March 13, 2023 @ 2:44 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Naniniwala si Senador JV Ejercito na hindi nagkataon ang sabay-sabay na pag-absent ng lima sa anim na police escort ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo sa mismong araw ng pamamaslang sa kanya.

“That is really too difficult to say that it’s a coincidence that five out of six security personnel did not report for duty that day. That is another angle that the DOJ [Department of Justice] and the investigating agencies should look into,” ani Ejercito sa panayam ng CNN Philippines nitong Lunes, Marso 13.

Aniya, ang dalawa sa police escort ay personal staff ni Degamo habang ang iba ay mula sa lokal na pamahalaan.

“That was probably the reason why there was practically no resistance when these assailants attacked Degamo, only one was there,” sinabi niya.

Naniniwala si Ejercito na may pagpalya sa intelligence sa regional at provincial level ng Philippine National Police (PNP).

“If you can see the movements of the assailants of Governor Degamo, they are obviously well-trained for this mission,” giit ng senador.

“That is already a failure of intelligence because it’s very impossible for the authorities not to even suspect that there is something happening.”

“The maintenance of armed groups and even having trainings of this type could not escape their eyes if they were really doing their job,” pagpapatuloy niya.

Sa imbestigasyon, sinabi ng awtoridad na ilan sa mga suspek sa pagpatay kay Degamo ay dating mga sundalo na naalis sa serbisyo.

Apat sa mga ito ang naaresto na, isa ang napatay sa engkwentro habang nasa lima pa ang patuloy na pinaghahanap.

Kasunod ng insidente, nanawagan si Ejercito na palitan ang lahat ng pulis sa regional at provincial level maging sa ilang munisipalidad.

Ayon sa PNP, isasagawa naman ito ng ahensya “in waves” dahil nasa 1,900 pulis ang papalitan dito.

Kaugnay ng pagpatay kay Degamo, sinabi ni Ejercito na pabor siyang ideklara ang state of lawless violence or emergency, ngunit sa Negros Oriental lamang upang hindi magdulot ng panic sa publiko.

Bilang pagtatapos, sinabi ni Ejercito na posibleng isagawa ngayong buwan ang pagdinig ng Senado kaugnay nito, na pangungunahan ni Senador Bato dela Rosa. RNT/JGC