Pag-akyat ng ranking ng Pinas sa rule of law index ikinatuwa ng PNP

Pag-akyat ng ranking ng Pinas sa rule of law index ikinatuwa ng PNP

October 27, 2022 @ 6:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes na patuloy nitong ipinatutupad ang policing reforms bilang abhagi ng pagsisikap na pairalin ang rule of law sa bansa.

Inihayag ito ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. at ikinagalak ang ang pagbuti ng ranking ng Pilipinas sa World Justice Project (WJP) Rule of Law Index, na pumwesto sa ika-97 sa 140 bansa mula sa ika-102 noong nakaraang taon.

“The PNP takes pride in its own initiatives at reforming police systems and procedures to cope with the ever-changing demand for better police service to the communities. Law enforcement to become effective must be founded on respect for human rights and the rule of law,” pahayag ni Azurin.

Sinabi niya na ang pagbut ng “order and security” ng Pilipinas ay nagpapakita sa inisyatiba ng national institution sa pagpapairal ng rule of law sa enforcement, prosecution, judiciary, corrections, at community pillars ng criminal justice system.

“I sincerely thank all police officers and other stakeholders who have worked diligently to achieve this milestone for our country, and urged everyone to continually perform their sworn duties with dedication and commitment,” sabi ni Azurin.

Kabilang ang Pilipinas sa iilang bansa na tumaas mula sa nauna nitong ranking sa February to June 2022 survey ng organisasyon sa 154,000 households at 3,600 legal practitioners.

Sinusukat ang rule of law index sa pamamagitan ng walong parameters– “constraints on government powers, absence of corruption, open government, fundamental rights, order and security, regulatory enforcement, civil justice and criminal justice.”

Ang WJP ay isang independent at multidisciplinary organization na naglalayon na lumikha ng kaalaman, bumuo ng awareness, at i-stimulate ang aksyon upang mapainam ang rule of law sa buong mundo. RNT/SA