Pag-alis kay Sereno, posibleng maging ugat ng pagkasira ng tiwala ng publiko sa Hudikatura

Pag-alis kay Sereno, posibleng maging ugat ng pagkasira ng tiwala ng publiko sa Hudikatura

June 20, 2018 @ 3:03 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pagkawala ng tiwala ng publiko sa judicial independence ang isa sa mabigat na dagok sa naging paraan ng pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Magdalo Rep Gary Alejano malinaw sa batas na impeachment ang paraan ng pagpapatalsik sa isang impeachable officer subalit sa kaso ni Sereno ay idinaan ito sa mas mabilis na paraan dahil na rin sa may galit sa kanya ang ilang mahistrado ng SC at gayundin  ay utos umano ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang ganitong ginawa umano kay Sereno ay maaring maging dahilan ng pagkasira ng tiwala sa judiciary na kalaunan ay maging ang konsepto ng hustisya sa bansa ay hindi rin paniwalaan ng taumbayan.

Sa kaso umano ni Sereno ay malinaw na politika at hindi batas ang humatol dito.

Kung mawalan na ng tiwala ang tao sa proseso ng batas ay dapat lamang na isisi ito kay Pangulong Duterte na makailang beses na ipinakitang pwedeng maisantabi ang prinsipyo “No One is Above the Law”. (Gail Mendoza)