Pag-alis ng barkong may karga na mineral ore pa-China, pinigilan ng PCG

Pag-alis ng barkong may karga na mineral ore pa-China, pinigilan ng PCG

January 16, 2023 @ 7:17 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Aduana sa pagpapatupad ng cease and desist order laban sa pagpapadala ng mga mineral ores na naka-consign sa Yinglong Steel Corporation (YSC) sakay ng “MV Van Knight” sa Sta. Cruz, Zambales.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), ang barko ay magdadala ng hindi pa matukoy na halaga ng mineral ore mula Pilipinas patungo sa China.

Sinabi ng Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) na ang mineral ore export permit ng YSC ay sinuspinde noong Enero 12, 2023 dahil sa umano’y paglabag sa Presidential Decree No. 1586 (Establishing an Environmental Impact Statement System, including other Environmental Management Related Measures and for other Purposes) alinsunod sa Kautusang may petsang 23 Disyembre 2022 na inilabas ng Opisina ng Pangulo.

Sinisigurado naman at pinipigilan ng PCG Task Force Aduana ang nasabing sasakyang pandagat na makaalis sa katubigan ng Sta. Cruz, Zambales. Jocelyn Tabangcura-Domenden