Pag-alis ng taripa sa mga produktong agrikultura,  walang negatibong epekto

Pag-alis ng taripa sa mga produktong agrikultura,  walang negatibong epekto

August 8, 2018 @ 2:35 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi maapektuhan ang mga magsasaka at mangingisda sa sandaling alisin ang taripa sa mga produktong agrikultura.

Ito ang paglilinaw ni Albay  Second District Representative Joey Salceda sa Kapihan sa Manila Bay.

Ayon kay Salceda, ang pamahalaan ay magbibigay ng subsidiya ang mga sector ng agrikultura gaya ng mga magsasaka, mangingisda at mga magbababoy bilang suporta ng gobyerno sa industriya ng agrikultura sa loob ng anim na buwan.

Giit ng kongresista, ang pagtanggal sa taripa sa karne at isda ay ang pinakamabisa pa ring alternatibo upang bumaba ang inflation.

Paliwanag ni Salceda hindi dapat nababahala ang mga mangingisda at mga magsasaka sa planong pag-alis ng taripa sa fishery and agricultural products kasabay nang pagtiyak na  hindi magkakaroon ng food shortage, at sa bansa sa halip  ay makikinabang pa ang mga mahihirap na mamimili.

Ang paliwanag ni Salceda ay kasunod ng pahayag ngayong umaga ni dating ni AGAP partylist Representative at Agricultural Sector Alliance of the Philippines President Nicanor Briones. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

 

PHOTO CREDITS: Joey Sarte Salceda