Pag-alis ni Clarita Carlos sa NSA, ‘di pwersahan

Pag-alis ni Clarita Carlos sa NSA, ‘di pwersahan

January 22, 2023 @ 2:57 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Binasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ulat na may may mga puwersa di umanong kumilos para alisin si retired professor Clarita Carlos bilang national security adviser (NSA).

Ibinunyag kasi ni Carlos na may sabwatan ng mga ‘unnamed persons’ para patalsikin siya bilang NSA.

Subalit, kinontra naman ito ng Chief Executive, sabay sabing hindi lang nage-enjoy si Carlos sa kanyang gabinete.

“I kept telling her, I don’t really think so, because they do not. And I guess she just found it too much na hindi niya — she didn’t enjoy her time in government,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag sa isang panayam

Si Carlos ay pinalitan ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) chief Eduardo Año.

“She didn’t enjoy her time in government, which is, you know, if we think about it, it’s not really surprising because that’s not her natural habitat. Her natural habitat is the academe, and so now, she will be in a think tank which is perfect for her,” ang wika ni Pangulong Marcos.

Nauna namang sinabi ng Presidential Communications Office na patuloy pa ring isusulong ni Carlos ang kanyang scholastic endeavors.

Kasama naman na si Carlos sa Congressional Policy and Budget Research Department, nagbibigay ng technical services sa formulation ng national economic, fiscal, at social policies sa Mababang Kapulungan. Kris Jose