Pag-alis ni ex-PMS chief Angping, personal reasons – PBBM

Pag-alis ni ex-PMS chief Angping, personal reasons – PBBM

January 24, 2023 @ 7:13 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Personal na dahilan ang pagbibitiw ni dating presidential management staff chief Zenaida Angping sa pwesto noong Disyembre.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, Enero 23 sa panayam sa kanya, kung saan mismong si Angping ang lumapit sa kanya at nakiusap kung maaari siyang maitalaga sa isang diplomatic post.

Matatandaan na sa listahan ng nominasyon at appointments sa
Commission on Appointments ay naroon ang pangalan ni Angping na nominado bilang ambassador to France.

Batay sa listahan, ang nominasyon nito ay natanggap Enero 17.

“The situation with then-Secretary Naida Angping was it was her personal decision on her part. She had some personal issues that she needs to work through and she said ‘I cannot do my work while I’m having to go through this that’s why I need to go and think about it,'” ani Marcos.

“She came back and she said maybe I can just find something that I will be able to handle and I said what do you think? And she said, ‘If you could appoint me to a diplomatic position…'” dagdag pa niya.

Anang Pangulo, si Angping ay matagal nang nagsisilbi na may kinalaman sa foreign service. RNT/JGC