Pag-amyenda sa Maharlika fund nasa tamang direksyon – Rep. Daza

Pag-amyenda sa Maharlika fund nasa tamang direksyon – Rep. Daza

December 9, 2022 @ 11:33 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tinukoy ni Northern Samar 1st district Rep. Paul Daza na nasa tamang direksyon ang naging desisyon ng Kamara na amyendahan ang kontrobersyal na Maharlika Wealth Fund (MWF) bill.

Matatandaan na sinabi kamakailan na aamyendahan ang naturang panukala kung saan aalisin ang Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) na pagkukuhanan ng pondo.

“This is indeed a step in the right direction,” sinabi ni Daza sa isang pahayag.

Inaasahan ngayong araw, Disyembre 9 ay isasapinal na ng Committee on Appropriations ang proposed P275 bilyon na MWF sa ilalim ng House Bill (HB) No.6398.

“As I’ve previously mentioned, I’m not entirely against having a state wealth fund like the [MWF]. However, we may not be able to sustain such a fund due to the current state of our economy,” paglilinaw niya.

Nanawagan din si Daza sa kapwa mambabatas na alisin din ang annual national budget na pagkukuhanan ng pondo para rito.

“It is clear that the process of dialogue, stakeholder discussions, and expert consultations are leading to improvements to the bill. I hope that the national budget will also be reviewed as an SWF funding source, because I believe it does not belong there,” aniya.

Sa ilalim kasi ng kasalukuyang bersyon ng HB No. 6398, ang National Treasurer ay magbibigay ng P25 bilyon sa P275 bilyon na start up fund sa sovereign wealth fund. RNT/JGC