Pag-amyenda sa Public Service Act, magpapalakas sa pambansang seguridad, ekonomiya – Poe

Pag-amyenda sa Public Service Act, magpapalakas sa pambansang seguridad, ekonomiya – Poe

May 31, 2021 @ 3:33 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang ipagpatuloy ng Senado ang deliberasyon upang maamendahan ang  Palace-certified Public Service Act (PSA) sa linggong ito na pangungunahan ni Senador Grace Poe bilang pangunahing isponsor.

Sa  pahayag, sinabi ni Poe na kapag pinapasok natin ang dayuhang imbestor sa service sector hindi lamang sisigla ang kumpetisyon para sa mas mahusay na serbisyo, magbibigay din ito ng mas maraming trabaho para sa ating kababayan sa gitna ng pandemya.

“Our economic landscape has significantly changed since the PSA was enacted 85 years ago, to the point that it is already incompatible with our progress. If we fail to adapt today, we will be left further behind,” ayon sa senador.

Ayon kay Poe,  layunin ng Senate Bill NO.2094 na amendahan ang PSA sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng public services at pubic utilities na magbibigay kalayaan sa  public services na hindi ikinokonsiderang may natural  monopolieis mula sa paghihigpit ng dayuhang equity.

Sa  ginanap na deliberasyon noong nakaraang linggo, iginiit ni Poe na habang dapat protektahan ang  ating pambansang soberenya, hindi tayo papayag na igapos  ang pagsusulong ng pambansang ekonomiyia

“It is incumbent upon us in Congress, even our military, and all our administrative agencies to make sure that we guard our sovereignty. But to say that we need to close off our economy because of these possible threats would also mean a certain loss and defeat for us,” ayon kay Poe.

Iginiit ni Poe na naitakda ang kaukulang safeguards sa ilalatag na amyenda partikular ang kritikal na impraestruktura tulad   telecommunications at common carriers.

“We cannot be governed by paranoia. So if we want our country to progress, we need to encourage more competition,” giit ni Poe.

Ayon sa senador, ginagarantiyah ng panukalang pag-amyenda ang ilang sapin-sapin na seguridad dahil kailangan dumaan ang dayuhang sa pagsusuri ng National Security Council.

Itinakda ng panukala na sa kritikal na industriya tulad ng telekomunikasyon at common carrier, magkakaroon ng periodic review ng Office of the President at Kongreso at maaaring ikansela ang kanilang permit to operate o prangkisa kung nagbabangta ito sa pambansang seguridad.
Mahigpit na ipinagbabawal din ang state-owned entity kung ang isang dayuhang negosyo ay pag-aari ng kanilang estado  o gobyerno na hindi papayagang magmay-ari ng critical infrastrucuter o komontrol  at tanging 25 porsiyetno ng empleado sa lahat ng public services at critical infrastructure  ang dayuhang  at  tanging Filipino ang nalalabing workforce.

“As we are trying to do this simultaneously—strengthen our national security and also our economy—it is incumbent upon Congress and the concerned administrative agencies to make sure that those investing in our country are above board and are not controlled by a foreign state,” ayon kay Poe. Ernie Reyes