Pag-amyenda sa ‘right-to-challenge’ process sa unsolicited projects target ni PBBM

Pag-amyenda sa ‘right-to-challenge’ process sa unsolicited projects target ni PBBM

November 17, 2022 @ 12:38 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinutulak ng administrasyong Marcos ang pagsususog sa Build-Operate-Transfer Law, gaya ng palitan ang right-to-match o “Swiss challenge” process para sa unsolicited proposals para makahikayat ng mas maraming public-private partnership projects.

“We will improve the unsolicited proposal system, allowing more unsolicited proposals for priority projects,” ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral sa isang panayam.

Ang proseso ng “challenging the original proponent” ay tinawag na “Swiss challenge,” uri ng bidding process kung saan iniimbitahan ng ahensiya ng pamahalaan ang ibang partido upang maghanap ng mas mainam o mas magandang unsolicited proposal.

“We are looking at revising the right-to-match process,” ang wika ni Cabral.

Kabilang na rito ang amiyendahan ang 60-day challenge period para sa unsolicited proposals.

“The 60-day challenge period is too short for a big, complex project but too long for small projects,” lahad pa nito.

Para sa big-ticket projects, tinitingnan ng gobyerno ang pagpapalawig sa challenge period ng 180 araw at bawasan ito sa 30 araw para naman sa maliit o simpleng proyekto.

“Small, simple PPP projects [are] local government projects such as public markets, bus terminals,” ani Cabral.

Aniya, “lengthening the challenge period for big-ticket proposals will “address the complexity of big-ticket projects [and] ensure a level playing field.”

Matatandaang, hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pribadong sektor na magpartisipa sa kabuuang 74 PPP projects na nagkakahalaga ng P2.25 trilyon. Kris Jose