Pag-angkat ng asukal napupulitika; kritiko niresbakan ng SRA

Pag-angkat ng asukal napupulitika; kritiko niresbakan ng SRA

April 12, 2022 @ 3:08 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Kinastigo ng Sugar Regulatory Administration (SRA), sa ilalim ng Department of Agriculture (DA), ang mga sumasalungat sa panukala ng gobyerno na umangkat ng 350,000 metric tons ng asukal.

Ang usapin ay napopolitika na.

Sa isang kalatas, sinabi ni SRA Administrator Hermenegildo Serafica na hindi man lamang maingat na kinonsidera ng mga detractors ang dalawang bagay sa usapin gaya ng “the availability and affordability of sugar.”

“Due to (the) stoking of those who consider only their self-interests, the issue on sugar importation has become very political. What the detractors of importation have failed to consider is the issue on food security, in particular, the availability of supply and the issue on the affordability of sugar,” ayon kay Serafica.

Ayon sa SRA, ang estimated raw sugar production para sa crop year 2021-2022 ay pumapalo sa 1,982,721.97 metric tons, na sinasabing 160,000 metric tons na mababa sa aktuwal na raw sugar production na 2,143,018 metric tons para sa 2020-2021.

“The carryover domestic raw sugar stock from last crop year is 228,690-metric tons which gives us a total raw sugar supply of 2,211,411-metric tons while (the) projected raw sugar demand is 2,200,379-metric tons,” ayon kay Serafica.

At sa pagpapagaan ng alert levels mula sa pandemiya, nagbabala si Serafica ng limitadong suplay, kasama ang sumirit na record-high sugar price.

“As such and coupled with the increase in demand for sugar due to the opening up of the economy, SRA has determined that there won’t be enough local production of sugar to meet our domestic consumption in the coming months, particularly from June to August,” aniya pa.

Tila isinisisi naman ni Serafica ang pagbaba ng produksyon sa matinding epekto ng Bagyong Odette at La Niña.

“Currently, out of the 12 sugar refineries, five refineries have already stopped refining while the rest are scheduled to stop in the coming weeks until the 2nd week of June,” anito.

Hinamon naman ng SRA ang mga detractors sakali at ang bansa ay nawalan ng suplay ng asukal.

“Can you imagine what will happen if there is no sugar available in the local market for households, for food retailers, and manufacturers? I would like to ask the detractors of importation, will they be accountable when we run out of sugar?” ayon kay Serafica.

Samantala, may ilang mambabatas partikular na sina Senador Imee Marcos, Senador Juan Miguel Zubiri, at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, ang naghikayat sa DA na i-block ang panukala ng SRA, iginiit na kailangan ng ehekutibo na i-baanse at iprayoridad ang pangangailangan ng mga maliliit na magsasaka.

“Kung hindi naman kailangan mag-import, ‘wag muna… unahin muna nating bilihin itong mga produkto ng ating local farmers dahil ang makikinabang po dito ‘yung maliliit. ‘Yung mga isang kahig, isang tuka,” ayon kay Go. Kris Jose