Pag-angkat ng mas maraming bigas sa Cambodia pinag-aaralan ng PCCI

Pag-angkat ng mas maraming bigas sa Cambodia pinag-aaralan ng PCCI

November 11, 2022 @ 2:22 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang posibilidad ng pag-angkat ng mas marami pang bigas mula sa Cambodia upang tugunan ang suplay ng bigas sa bansa.

Ito ang sinabi ng PCCI nitong Biyernes, Nobyembre 11 kung saan kahapon, sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ASEAN Summit ay hinilingan ang Pilipinas na mag-angkat pa ng mas maraming bigas.

“What they’re seeking is how we can help them in the milling process. Many of their palay are sent to Vietnam for processing… Hopefully, we can buy direct from them and do our own milling,” ani PCCI President George Barcelon sa panayam ng ANC.

Aniya, baka mas tipid pa kung direktang mag-angkat mula sa Cambodia maliban sa kinukuhanan ng bansa na Vietnam, dahil posible umanong galing din sa Vietnam ang ilan sa suplay nito.

Bagama’t may sapat na milling capacity ang Pilipinas, ani Barcelon, palaging tinatamaan ng bagyo ang bansa kung kaya’t may epekto pa rin ito sa suplay ng bigas.

Ang PCCI at iba pang business representatives ay kasama ni Marcos sa Cambodia para sa nagpapatuloy na ASEAN Summit. RNT/JGC