Pag-apruba ng Kongreso sa proposed P5.024-T budget sa 2022 pinuri ng Palasyo

Pag-apruba ng Kongreso sa proposed P5.024-T budget sa 2022 pinuri ng Palasyo

December 16, 2021 @ 12:50 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Welcome sa Malakanyang ang ginawang ratipikasyon ng Kongreso sa panukalang P5.024 trilyong badyet para sa taong 2022.

Mahalaga kasi ito sa COVID-19 response ng gobyerno.

Pinasalamatan ng Malakanyang ang Kongreso dahil nagtrabahoito ng “overtime” mapabilis lamang ang ratipikasyon ng panukalang 2022 National Budget.

“We consider next year’s budget vital to support our country’s COVID-19 resilience initiatives and to sustain our socioeconomic recovery efforts,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“As we await its transmittal to the Office of the President, we reiterate our commitment to utilize our people’s hard-earned money to properly implement programs, projects, and services effectively and efficiently during the remainder of the President’s term of office.”

Ang P5.024 trilyong proposed budget sa 2022 ay last full-year budget ng administrasyon dahil nakatakdang magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hunyo 30, 2022.

Samantala, sinabi naman ni Senate finance committee chairperson Edgardo Angara na ang P5.024 trillion proposed budget para sa taong 2022 ay maglalaan ng P20 hanggang P30 billion para pondohan ang special risk allowances ng mga healthcare workers at maging ang COVID-19 vaccine at booster shots.

Tinatayang 42 milyong Filipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19. Target ng gobyerno na gawing fully vaccinated ang 54 milyong indibiduwal bago matapos ang taon. Kris Jose