Pag-aresto kay Dok Castro, talupan – Bayan Muna

Pag-aresto kay Dok Castro, talupan – Bayan Muna

February 21, 2022 @ 3:06 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Umapela ang Bayan Muna Partylist sa Commission on Human Rights(CHR) at House of Representatives na imbestigahan ang ginawang pag aresto ng Philippine National Police(PNP) kay Dr. Maria Natividad Castro na pinaghihinalaang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (NPA).

“We are calling on the Commission on Human Rights (CHR) to immediately investigate this anomalous and Gestapo-like arrest of Doc Naty,” pahayag ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate kung saan isang resolusyon ang nakatakda ding ihain ng grupo sa Kamara.

Si Castro ay matatandaang inaresto sa kanyang bahay sa San Juan City noong Feb. 19 sa bisa ng arrest warrant na may petsag Jan. 30. Inaakusahan ang doktora ng kasong kidnapping, serious illegal detention at pagiging lider ng Health Bureau ng CPP-NPA sa Butuan City.

Ang mga akusasyon laban kay Castro ay mariin nitong itinatanggi.

“Up till now, her captors have yet to give an original copy of the supposed warrant of arrest and other documents justifying her arrest. Her sister claimed it is not even her name that appeared in a photocopy of a supposed warrant shown to them. She was also refused access to her counsel as well as her family. Her medicines for diabetes and hypertension were also not allowed. She was also reportedly already brought to Butuan City yesterday without any regard for her Miranda rights,” pagtatapos pa ni Zarate. Gail Mendoza