PAG-ASANG DALA NG 2023

PAG-ASANG DALA NG 2023

January 3, 2023 @ 11:18 AM 3 weeks ago


GUMANDA nang ‘di hamak ang ating karanasan para salubungin ang bagong taon ng 2023, kum-para noong nagdaang 2022 na balot pa tayo ng takot dahil sa pan-demyang dulot ng COVID-19.

Ito ay pinatunayan ng isang survey na ginawa ng Pulse Asia na nagsasabing halos lahat ng Filipino o 92 porsiyento sa atin ay naniniwalang maganda ang ating hinaharap sa pagpasok ng 2023.

Walong porsiyento lamang daw ayon sa Pulse Survey ang mga alanganin sa bagong taon, at iisang porsyento naman ang nagsasabi na wala silang kapag-a-pag-asa para sa 2023.

Tila tama rin ang kakaunting nagsasabi na wala naman talagang magandang dala ang taong 2023. Sumisirit pa rin kasi ang halaga ng lahat ng bilihin at patuloy na humihina ang piso laban sa dolyar.

Ang presyo ng pagkain, ha-limbawa, gaya ng pangsangkap na sibuyas at asukal ay ‘di na bumaba. Ang kuryente na pinatatakbo ng Manila Electric Company o Meralco ay may bago pang dagdag at pagtaas ng presyo na P.0844 per kilowatt-hour mula nang nagdaang November 2022.

Ang gasolina ay gayundin, hindi na makababa sa P50 bawat litro. Ano nga naman ang aasa-han nating maganda sa 2023 kung ganito nang ganito?

Pero ayon sa Department of Budget and Management may P206.50 bilyong ayuda na nakapaloob sa 2023 national budget. Ito raw ay upang makatulong sa marami nating kababayan sa pag-harap sa mga nagmamahalang produkto at serbisyo.

Ito raw ang kanilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Bong Bong Marcos na alalayan ang mahihirap nating mga kababayan lalo na ang mga nabiktima ng mga kalamidad at krisis, bukod sa paglakas ng dolyar laban sa halaga ng piso.

Ang P206.50 bilyong ‘ayuda’ sa pamamagitan ng cash transfers at mga subsidy programs ay ikakalat na sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang pa-mununuan ang pamimigay nito sa papasok na bagong taon.

Ang Department of Social Welfare and Development ay mayroong P165.40 bilyon; ang Department of Health ay P22.39 bilyon; ang Department of Labor and Employment ay may P14.9 bilyon para sa kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program; samantalang ang Department of Transportation ay mayroon din P2.5 bilyon para sa fuel subsidies ng ating mga public transport driver.

Ang Department of Agriculture ay mayroon ding isang bil-yon piso para sa fuel assistance sa farmers at fisherfolks.

Hindi naman pala tayo maaagrabyado sa 2023 dahil bago pa lang pumasok ang taon na ito ay inilatag na ni PBBM ang mga prog-ramang makakatulong sa ating mga kababayang mahihirap.

oOo oOO oOO

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!