Pag-atake ng NPA sa habang lumilikas sa #OdettePH sa Surigao del Sur kinondena ng DILG

Pag-atake ng NPA sa habang lumilikas sa #OdettePH sa Surigao del Sur kinondena ng DILG

December 15, 2021 @ 5:53 PM 10 months ago


Manila, Philippines — Kinondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang naganap na pag-atake ng  mga komunistang New People’s Army (NPA) habang nagsasagawa ng preemptive evacuation sa bagyong Odette sa  Surigao del Sur.

Ayon kay Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel, inatake ng NPA ang mga pulis at militar na umaagapay sa preemptive evacuation.

“Hilingin ko sana ‘yung mga NPA na ‘wag gagalawin ‘yung mga kapulisan natin at saka army na tumutulong sa evacuation center. ‘Wag niyong ambush-in. Tignan mo ‘yung nangyari ngayon, tatlo namatay, mga sibilyan,” aniya sa Laging Handa briefing.

Samantala, nagbigay naman ng pahayag si DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya sa insidente.

 “Kinalulungkot po namin ito at kino-condemn po namin ito dahil wala naman po itong magandang naidudulot sa ating bansa bagkus sa panahon pandemya at panahon ng bagyo kung saan tayo ay kailangan magtulungan, itong mga komunistang teroristang grupo ay naghahasik pa ng lagim,” saad nito sa briefing.

Umapela rin si Malaya sa NPA na isantabi muna ang kanilang mga personal na interes.

“So, nananawagan po kami sa kanila na sana naman unahin nila ang bansa bago ang kanilang pansariling mga interes na imbis na makatulong pa sila, sila pa ngayon ang sumisira sa magandang ginagawa ng ating pamahalaan.” RNT/FGDC